YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 16, 2014

APEC Inspection sa Boracay tuloy ngayong araw sa kabila ng sama ng panahon

Posted July 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

www.metrocebu.com.ph
Tuloy ang nakatakdang inpeksyon ng APEC o Asia Pacific Economic Conference sa Boracay ngayong araw sa kabila ng sama ng panahon.

Ito ang kinumpirma ni Department of Tourism DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar.

Aniya, nagsimula ito kaninang alas-11 ng umaga sa pangunguna ni DFA Ambassador Ma. Angelina Sta. Catalina at ni DOT Regional Director Helen Catalbas.

Kabilang sa mga iinspeksyuning lugar sa Boracay ay ang long beach area, daloy ng trapiko at ilang hotel at resort sa isla.

Sa kabilang banda kanselado naman ang sana’y pakikipag-meeting ngayong araw ni Tourism Undersecretary Maria Victoria Jasmin kay Malay mayor John Yap at sa grupo ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) dahil sa sama ng panahon dulot ng bagyong Glenda.

Ang nasabing pagpupulong ay kaugnay parin sa paghahanda para sa APEC Summit 2015 sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment