YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 17, 2014

Babaeng nagmagandang loob, pinagbintangang nagnakaw ng pera ng isang Korean guest

Posted July 17, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Hindi masama kung magmamagandang loob.

Subali’t maaari ka palang magsisi sa huli, kapag ikaw naman ang mapapahamak.

Ito ang sinapit ng isang babaeng pinakiusapan at pinagkatiwalaang magbantay ng wallet ng isang Korean guest kaninang madaling araw.

Pinagbintangan umano kasi itong nagnakaw ng pera ng isang Korean guest sa loob ng isang disco bar sa station 2 Boracay.

Katunayan, sa himpilan na ng Boracay PNP nagpang-abot ang magkabilang panig matapos magkasagutan dahil sa nasabing paratang.

Sa presento ng pulis, iginiit ng mga nagrereklamong turista na kinuha ng pinagkatiwalaang babae ang pera nito sa wallet.

Kuwento ng turista, pinabantayan niya ang wallet sa babae sa kanilang mesa upang sumayaw sa kabila nang hindi pa sila gaanong magkakilala.

Samantala, ikinagulat na lamang umano ng babae nang magreklamo ang turista na kulang na ang pera nito sa wallet ng P 3, 000.00.  

Bagama’t todo tanggi ito sa paratang, aminado din siya na hinawakan niya ang wallet upang masiguro umanong hindi ito mawawala.

Mistulang nakakita naman ng kakampi ang inerereklamong babae dahil mismong ang mga staff ng nasabing bar ang nagpatunay na mismong ang Korean guest ang kumuha ng pera sa kanyang wallet at ibinulsa ang iba matapos magbayad ng kanyang inorder.

Patuloy namang iniimbistigahan ng mga pulis ang nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment