Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Dalawang buwang suspendido si Kap Hector.
Ito ang balitang mabilis na kumalat sa Malay at Boracay, matapos ihain ng
office of the mayor ang isang suspension order na nilagdaan ni mismong Mayor
John Yap laban kay Kap Hector nitong nakaraang Huwebes.
Nabatid mula sa munisipyo ng Malay na nag-ugat ang pagpapasuspendi kay
Kap Hector dahil sa umano’y misconduct.
Nilabag umano kasi nito ang solid waste management laws matapos nitong gawing
open dumpsite o tambakan ng basura ang isang lote na pagmamay-ari ni Leo Tirol.
Dagdag pa na pormal na ring naghain ng reklamo noong 2012 si Tirol
tungkol dito, dahilan upang ipinag-utos ng Office of the Ombudsman Visayas kay
Mayor John Yap na ipatupad ang nasabing penalidad.
Pinababakante muna si Kap Hector sa kanyang puwesto simula kahapon
hanggang April 10, 2014, subali’t tumanggi ito sa utos.
No comments:
Post a Comment