Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagkaisa ang Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan
members na ihirit sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkakaroon ng
mobile passporting unit sa Aklan.
Ayon sa may akda ng ordinansa na isinulong sa 5th
regular session ng SP Aklan nitong Miyerkules na si SP Member Plaridel Morania.
Ito’y upang hindi na rin mahirapan ang ilan sa mga
Aklanon at mga kalapit probinsya na gustong makapag-trabaho sa abroad.
Dagdag pa nito na ang nasabing proyekto ay isang
paraan upang matulungan ang mga residente ng probinsya na mapadali ang pagkuha
ng kanilang pasaporte.
Bukod kasi sa hindi na mapapagod ang mga aplikante
na magtungo sa main office ng DFA ay makatitipid pa ang mga ito sa pasahe at
pagkain.
Samantala, sinabi rin Ni Morania na may dati nang
resolusyon na ipinasa ang probinsya ng Aklan subalit hindi ito nabigyan ng
pansin ng DFA.
Aniya kapag mangyari umano ito ay hindi na rin
gagatos ng malaki ang mga mag-apply at mag-poproseso ng kanilang mga travel
document.
Nabatid rin na umani ng papuri sa ibang mga lugar ang mobile passport processing, kung saan hindi na kailangang pumunta sa DFA ang mga aplikante para kumuha ng pasaporte.
No comments:
Post a Comment