YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 12, 2014

Pagharurot, overtaking at kawalan ng kontrol, mga dahilan ng aksidente sa kalsada

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Minsan hindi ang masamang kondisyon ng mga kalsada ang pangunahing dahilan ng mga aksidente sa kalye na kadalasang nagreresulta sa pinsala sa katawan.

Sa talaan ng Boracay PNP Station, karamihan dito ay halos nakadepende sa disiplina na mayroon ang isang drayber.

Kaugnay nito, isa na naman kasing aksidente sa kalsada ang nangyari nitong martes sa Balabag Boracay kung saan ikinasugat ng kanang paa ng isang Korean National.

Ayon sa impormasyong nakuha sa Boracay PNP, nawalan ng kontrol ang isang drayber ng multicab na pagmamay-ari ng isang establisyemento sa isla at sumalpok sa puwetan ng isang pampasaherong traysikel.

Sakay ng nasabing traysikel na minamaneho ni Rodulfo De Jesus, 38 anyos ang Korean National na si Lee Sun Ho, 37 anyos, asawa nito at limang taong gulang na anak.

Sinasabi na patungo sa direksyon papuntang Yapak Boracay ang dalawang sasakyan nang mangyari ang aksidente.

Isinugod naman sa pagamutan ng drayber ng multicab na nakilala kay Angelito Salaver, 27 anyos ang lalaking Korean national para mabigyan ng agarang medikasyon.

Samantala, nabatid naman na hindi na nag-file ng anumang kaso ang mga biktima kung saan agad namang ibinalik sa dalawang drayber ang kanilang mga sasakyan.

No comments:

Post a Comment