Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Problema parin ang mga illegal na komisyoner sa
Boracay sa kabila ng ipinapatupad na unified rates ng MTour.
Ayon kasi sa mga lehitimong sea sports coordinator dito,
hindi patas ang pakikipagkompetensya sa kanila ng mga nasabing komisyoner dahil
mas mababang rates ang inaalok ng mga ito sa mga turista kaysa sa rate ng
kanilang asosasyon.
Sinabi din ng mga ito na marami paring ilegal
commissioner ang mga nag-aalok sa ibat-ibang lugar sa Boracay ng mababang
presyo kung kaya’t lumalabas umano tuloy na silang nasa asosayon ang
sinungaling sa kanilang rates.
Magkaganon paman, sinabi ng mga ito na ok parin
kahit papaano ang kanilang kinikita dahil narin sa ipinapatupad na unified
rates ng MTour o Municipal Tourism Office.
Samantala, kamakailan lang ay napagkasunduan ng
Malay Tourism office at ng mga Water Sports Association of Boracay ang na
magkaroon na lamang ng unified rates upang masawata ang mga illegal na
komisyoner sa isla.
No comments:
Post a Comment