YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 13, 2014

RHU Malay, patuloy ang kampanya sa Boracay laban sa HIV at iba pang sakit

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Patuloy ang kampanya ng RHU o Rural Health Unit ng Malay sa Boracay laban sa HIV o Human immunodeficiency Virus at iba pang sakit.

Katunayan, ayon kay Malay Health Education Promotion Officer Arbie Aspira, nag-iikot sila sa ibat-ibang mga establisyemento sa isla ng Boracay para magbigay ng paalala sa mga manggagawa at maging sa mga sex workers dito tungkol sa HIV at iba pang uri ng karamdaman.

Isa umano ito sa mga paraan upang maiwasan partikular ang pagtaas ng bilang ng mga nabibiktima ng HIV.

Hangad din umano kasi ng RHU na maging malinis at malayo sa sakit ang lahat ng mga manggagawa sa Boracay lalo na’t ito’y isang pangturismong lugar.

Dagdag pa ni Aspira, welcome sa kanila ang mga gustong magpa-lecture para maiwasan ang ibat-ibang sakit na maaaring dumapo sa isang tao.

Muli ding nagpaalala ang RHU sa lahat ng mga manggawa at mamamayan sa Boracay na laging magpakunsulta sa doktor lalo na sa tuwing may maramdamang kakaibang sakit.

Matatandaang naging kontrobersyal noon ang Boracay dahil sa pagdami ng mga sex workers na kung saan-saan pa nagmumula.

No comments:

Post a Comment