Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang paalala ng mga taga Boracay PNP Station
hindi lamang sa mga dayuhang turista kundi pati na rin sa mga local na
bakasyunista sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos na isang Japanese National ang
naisahan ng isang snatcher nitong myerkules sa isla, kung saan nilimas ng hindi
nakilalang suspek ang iPhone 4S ng biktima na nagkakahalaga ng mahigit 15, 000
pesos.
Ayon sa salaysay ng biktima na nakilala kay Shinya
Ishikawa, 25, ng Tokyo Japan.
Kasama nito ang kanyang kasintahan sa harapan ng
kanilang tinutuluyang resort sa Balabag Boracay, nang di umano’y mayroong
humintog motorsiklo sa kanilang harapan at hinihingi ang kanilang cellphone
number.
Kaagad naman na iniabot ng biktima ang cellphone sa
suspek para ibigay ang nasabing numero, nang bigla na lamang umanong humarurot
ang sinasakyang motorsiklo nito dala ang cellphone ng biktima.
Hinabol pa umano ito ng biktima subalit aksidente
itong nadapa at napagulong sa sidewalk rason na nagkamit ng sugat sa kanyang
kanang tuhod at iba pang parte ng katawan.
Nang mapansin naman ng mga taga Boracay Mobile
Patrol Group na mayropong nagsisisigaw at humihingi umano ng tulong, kaagad na
hinabol ang nasabing motorsiklo subalit dahil sa mabilis ang takbo ng sasakyan
nito ay mabilis ring nakatakas ang suspek.
Sa ngayon ay patuloy parin ang imbestigasyon ng
Boracay PNP kung saan patuloy ring tinutukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.
No comments:
Post a Comment