Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay
Ito ang naging paalaala ni Team Ministry moderator
“Father Nonoy” Crisostomo ng Boracay Holy Rosary Parish para sa mga mag-irog ngayong
nalalapit na araw ng mga puso.
Subali’t nilinaw ni Father Nonoy na hindi lamang para sa mga magsing-irog ang
nasabing pagdiriwang kundi para sa lahat.
Ang Valentine’s Day o araw ng mga puso umano kasi
ay araw ng pagmamahal, kung kaya’t sana ay huwag umanong kalimutan kung ano ang
tunay na kahulugan nito.
Dagdag pa ni Fr. Crisostomo na kung maaari ay
umiwas sa mga lugar na maaaring magtulak sa atin upang makagawa ng isang bagay
na pagsisisihan sa bandang huli.
Pinaalalahanan din nito ang mga teenager na sana’y isipin
nila na ang tunay na pagmamahal o pag-ibig ay ang pagnanais mong gumawa ng kabutihan
para sa iyong minamahal.
Inaasahan na maraming magkasintahan at nagmamahalan
ang may kani-kanilang pamamaraan kung paano ipagdiriwang ang Valentine’s Day sa
Pebrero 14.
No comments:
Post a Comment