Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang kinumpirma ni Department of Tourism (DOT)
Boracay Officer In Charge Tim Ticar, hinggil sa planong pagkakaroon ng Air
Ambulance sa isla ng Boracay.
Aniya, bagamat nasa provincial government ang
desisyon kung kailan ipapatupad ang nasabing plano.
Sinabi naman nito na inaantay din ng DOT ang
itatakdang pagpupulong kung kailan ang pagpapatupad ng Air Ambulance sa isla.
Nabanggit rin nito na kapag matutuloy ang
pagpapagawa ng isa pang ospital sa Boracay ay marahil hindi na rin itutuloy ang
nasabing Air Ambulance.
Samantala, ipinaliwanag rin nito na ang planong
pagkakaroon ng Air Ambulance ay bilang paghahanda na rin sa pagho-host ng isla
sa darating na APEC Summit na gaganapin dito.
Maliban pa rito, ay mapapadali narin ang pag-responde
sa mga malalaking aksidente o insidente na mangyayari sa isla.
No comments:
Post a Comment