Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Aprobado na sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang
pagbabalik ng satellite office ng National Bureau of Investigation (NBI) sa
probinsya.
Sa ginanap na 5th regular session, inaprobahan
ng mga myembro ng konseho ang resolusyon na inihain ni SP member Atty. Plaridel
Morania, kung saan humihiling sa NBI Head Office para sa agarang
re-establishment ng opisina sa probinsya.
Ayon sa pahayag ni Morania, ito’y upang hindi na
mahirapan ang mga Aklanon na pumunta pang Iloilo City para kumuha ng NBI
Clearance.
Samantala, nabatid rin sa pahayag ni Aklan Governor
Florencio Miraflores kamakailan, na malaking tulong di umano ang nasabing
hakbang para mabawasan ang mahabang pila ng mga aplikante sa Iloilo City.
Napakahaba kasi ang proseso sa pagkuha nito kung saan ang ilan pa sa mga aplikante
ay kailangang doon rin sa opisina matulog para iwas gastos sa pamasahe at
makatipid sa oras.
Nabatid naman na ngayong second-quarter ng taon
uumpisahang ipatayo ang NBI Satellite Office sa Aklan.
Ang NBI clearance ay mahalaga para sa mga kompanyang
pinag-aaplayan lalo na sa mga nag-aabroad sapagkat dito makikita kung meron o
walang criminal records ang isang aplikante.
No comments:
Post a Comment