YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 11, 2014

Bagong hepe ng Boracay PNP, mainit na tinanggap ng BAG

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Mainit na tinanggap ng BAG o Boracay Action Group ang bagong hepe ng Boracay PNP.

Sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony kahapon sa Balabag Plaza.

Pormal na ipinakilala ni Mayor John Yap sa mga taga BAG si PSInspector Mark Evan Pedregosa Salvo na siyang pumalit kay PSInspector Joefer Cabural.

Nabatid na galing sa Regional Operations and Plans Divisions 6 ang Bicolanong si Salvo na produkto naman ng PNPA o Philippine National Police Academy Class 2006.

Dumating sa Boracay si Salvo nitong nakaraang Biyernes at nagsisimula na ring mag-courtesy call sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, organisasyon at maging sa mga taga pribadong sektor sa isla. 

Samantala, pinalitan ni Salvo si Cabural matapos itong mapasama sa mga sinibak sa puwesto ni PNP Chief Director General Alan Purisima nitong nagdaang October 2013 dahil sa umano’y pando-doktor ng mga isinusumiting crime report.

No comments:

Post a Comment