YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 12, 2014

Swiss National na pinagbabato ng patalim ng live-in partner, nagpasaklolo sa Boracay PNP

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagpasaklolo sa mga pulis ang isang 57 anyos na mister matapos umanong pagbabatohin ng patalim ng kanyang live-in partner.

Ayon sa report ng Boracay PNP, pinagbintangan din umano itong gumagamit ng marijuana at hinabol pa ng sangkalan.

Lumalabas sa pagsisiyasat, na nakipagkita ang nasabing swiss national sa kanyang mga kaibigan kaya’t hating-gabi na itong nakauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Balabag, Boracay.

Nang dumating umano ito ay nagalit ang kanyang live-in partner kung saan pinagpapalo rin ito ng walis tingting sa harapan ng kanilang mga anak.

Tangka sanang hampasin pa ng sangkalan ang mister subalit dali-dali itong sumakay sa kanyang bisikleta at tumungo sa Boracay PNP station para humingi ng saklolo.

No comments:

Post a Comment