Ni Jay M. Arante, YES FM Boracay
Magpapadala umano ng rehabilitation assistance ang United
Kingdom-based charity at international nongovernment organization sa probinsya
ng Aklan.
Ayon kay dating Sangguniang Panlalawigan member Gerick
Templonuevo, may mga representanti ng Islamic na NGO o Non-government organization
na handang tumulong sa probinsya para sa mga kababayang apektado super typhoon
“Yolanda.”
Sa naging pahayag naman ni dating Vice mayor Jean Velarde
ng New Washington, kabilang umano sa mga kinatawan ng grupong pupunta sa Aklan para
mapag-usapan ang rehabilitation efforts ay sina Oussama Mezoui, Ziad Ouyoun at
Rayda Eddeng.
Ayon pa kay Velarde may plano ang mga ito na bumili ng
lupa para pagtayuan ng mga bahay gayon
din ang pagbibigay ng oportunidad sa pamamagitan ng livelihood at
livestock-raising.
Matatandaang isa ang probinsya ng Aklan sa Visayas na
matinding hinagupit ng super typhoon “Yolanda” noong nakaraang taon.
Napag-alaman na matapos ang bagyo, ay tinawagan ng pansin
ng Islamic group ang kanilang mga kasosyo sa ibat-ibang panig ng mundo para
makatulong sa mga Filipino na makabalik sa normal ang kanilang buhay.
No comments:
Post a Comment