Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y matapos na mahuli ng Aklan Provincial Anti
Illegal Drug Special Operations Task Group (AKPAIDSOTG) at ng Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) ang suspek nitong Sabado na nagtutulak ng illegal na
droga sa isla.
Sinasabi na itong si Jose Pacete y Sumpay, alyas
“toto” 22 anyos ay nadiskubrehang myembro pala ng “Trese Hudas Gang” kung saan
sangkot din sa ilang mga nakawan.
Ayon sa report ng Boracay PNP Station, ang “Trese
Hudas Gang” ay binubuo ng mga myembro na may edad 20 anyos hanggang 29 anyos.
Matatandaan, na kamakailan lang ay anim rin na iba
pa ang nahuli ng mga pulis na nagtutulak ng mga illegal na droga sa isla ng
Boracay.
Sa ngayon ang nasabing anim na iba pa ay kasalukuyan ding nasa
kustodiya ng Aklan Rehabilitation Center (ARC) dahil sa kasong paglabag sa R.A
9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.
No comments:
Post a Comment