Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Wala ring pasok sa mga pampubliko at pribadong
eskwelahan, maging ang mga bangko dito.
Isang special non-working public holiday kasi
ngayon kaugnay sa ika-20 taong anibersaryo sa pagkakapaslang kay Antique
Governor Evilio Javier.
Isang opposition leader si Javier sa panahon ng
pamumuno ni dating pangulong Ferdinand Marcos at pinatay noong Feb. 11, 1986 ng
mga umano’y kaalyado ng ng nasabing pangulo.
Sinasabing ang pagpaslang kay Javier ang isa sa mga
naging mitsa ng Feb. 22, 1986 People Power Revolution.
Samantala, idineklara ng Republic Act N0. 7601 na
isang special non-working public holiday ang ika-11 ng Pebrero ng bawat taon sa
mga probinsya ng Antique, Capiz, Aklan at Iloilo bilang paggunita sa “Evilio
Javier Day”.
Inaasahan namang babalik sa normal na operasyon ang
mga nabanggit na opisina at ahensya bukas.
No comments:
Post a Comment