YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, August 11, 2012

High -valued ng gulay sa Aklan, kulang na ang suplay; presyo, inaasahang tataas pa


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Hangga’t patuloy na nararanasan parin ang sama ng panahon sa bansa lalo na sa bahagi ng Hilagang Luzon, aminado ang Provincial Agricultures Office ng Aklan na aasahan ang pagtaas ng presyo ng gulay particular ang mga High Valued Vegetable gaya ng repolyo, cauliflower, patatas at carrots.

Ayon kay Marlyn Caniete, Agriculturist ng Provincial Agriculture’s Office, inaasahan na ang 20% na pagtaas sa presyo sa mga nabanggit na gulay.

Bagamat may taniman ng repolyo sa bayan ng Libacao, sinabi nito na hindi rin kakayaning suplayan ng produkto doon ang kailangan ng buong probinsiya lalo na ang Boracay.

Maliban dito, aminado din si Caniete na kinukulang din sa suplay ng gulay sa buong probinsiya ngayon kasama na ang isla ng Boracay dahil sa wala rin umanong suplay ng gulay na dumarating sa ngayon.

Ito ay dahil nasalanta ang mga pananim ng labis na pag-ulan, dagdagan pa umano ang pagbaha kaya hindi rin maibiyahe ang mga produktong ito.

Katunayan ayon kay Caniete, sa public market din ngayon sa bayan ng Kalibo ay kulang na rin ang high valued vegetable, katulad din sa nararanasan ngayong dito sa isla.

Subalit aniya, hindi pa nila masasabi kung hanggang kaylan ang ganitong sitwasyon, dahil nakadepende ito sa panahon.

Samantala, kung kinukulang sa suplay ng high valued vegetable ang Aklan sa kasalukuyan, hindi naman umano apektado ang mga gulay sa palengke na maaaring kunin sa backyard gaya ng talong, sitaw, kalabasa at iba pa.

Ito ay dahil maliban sa ang mga produktong ito na mayroon dito sa probinsiya, puwede rin aniya mag-import mula sa Iloilo. 

No comments:

Post a Comment