YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 06, 2012

Opisina ng TIEZA sa Boracay, malapit nang buksan


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Ngayong katapusan ng Agusto na inaasahang mabubuksan ang tanggapan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) dito sa Boracay katulad sa minsan na rin naipangako ng ahensiyang ito.

Ito ang nabatid mula kay Boracay Island Water Company (BIWC) Customer Service Officer Acs Aldaba.

Aniya sa impormasyon, pormal na papasinayaan ang tanggapan ng TIEZA sa katapusan ng Agusto kasabay ng pagtatapos sa ginawang konstraksiyon dito.

Kaya malamang, sa buwan pa umano ng Setyembre ay magsisimula na ang operasyon ng TIEZA sa isla.

Ganoon pa man, hindi pa masiguro, ayon kay Aldaba, na ngayong may tanggapan na ang TIEZA dito sa Boracay ay kung tumatanggap ang mga ito ng reklamo kaugnay sa suliraning nararanasan sa Drainage System ng Boracay.

Subalit positibo naman pananaw nito na malamang ay tatanggapin din ng TIEZA ang mga ipaabot na concern hinggil sa problemang nabanggit.

Ito ay sa kabila ng pagkaka-alam ng BIWC na maglalagay ang TIEZA ng opisina nila sa Boracay upang ma-monitor at maalalayan ang kumpaniyang ito ng tubig sa kanilang operasyon at masigurong nasusunod ang regulasyong ipinapatupad ng TIEZA.

Kung maaalala ang BIWC na ang sumalo ng batikos at lahat ng hinanaing ng publiko kaugnay sa suliranin sa drainage.

Subalit limitado lamang ang impormasyon na naibibigay ng BIWC, sapagkat ang TIEZA na dating Philippine Tourism Authority (PTA) ang may gawa ng Drainages sa  Boracay kaya sila lang din ang may kapasidad na sumagot sa isyu.

Bagay na inaabangan naman ng marami ang pormal na pagbubukas sa tanggapang ito lalo na ng mga stakeholder sa isla, maging ng lokal na pamahalaan ng Malay dahil ang mga nabangit na ito kasama na ang BIWC ay naging tampulan ng usap-usapan dahil sa palpak na Drainages sa isla.

Sa kasalukuyan, ginagawa na ang opisinang ito na makikita sa Barangay Balabag, malapit din sa opisina ng BIWC.

No comments:

Post a Comment