Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Kung ilang libo o milyon man ang kikitain mula sa Signature
Campaign na ikinasa ng Junior Chamber International (JCI) na pinangalanang
“Sama Ka, Lets Protect Boracay”, siya ding gagamiting pondo para sa kanilang
programa sa Boracay na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataang estudyante
dito sa tulong ng Department of Education ng tamang pangangalaga sa kalikasan
at sa islang ito.
Sa bawat lalagda na makakalap na siyang pagpakita ng
kanilang pangako na po-protektahan din ang Boracay, piso ang kapalit nito.
Nabatid sa press conference nitong tangghali ng JCI na ang
pisong maiipon mula dito ay siyang pundo din nila para sa mga lecture materials
na ipapamigay at gagamitin ng mga estudyante sa isla.
Bagamat sila umano sa JCI ay walang pondo para dito, ang
maitutulong umano nila ay pukawin o kalampagin ang damdamin ng iba’t ibang
pribadong indibidwal o organization maging mga stakeholder upang sopurtahan ang
adbokasiyang ito na “Sama Ka, Lets Protect Boracay”.
Positibo naman ang pananaw ng JCI na magiging matagumpay ang
programang ito, gayong sila ay nais din nilang proteksiyunan ang Best Beach in
the World na titulong iginawad sa Boracay.
No comments:
Post a Comment