YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 06, 2012

Sumadsad at nasunog na MV Shuttle Roro 1 sa Romblon, kinumpirma ng Philippine Coastguard


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Opisyal nang kinumpirma at inilathala ng Philippine Coastguard ang sumadsad at nasunog MV Shuttle Roro 1 sa Romblon noong nakaraang Lunes.

Sa inilabas nitong report sa kanilang web site, nabatid na napilitang sumilong muna ng nasabing barko sa Looc Bay, Romblon.

Nakasagupa umano kasi ito ng masungit na panahon dahil sa hagupit ng bagyong si Gener. 

Subali’t nabatid na sa kasamaang palad ay tuluyan itong sumadsad hanggang sa magsimulang masunog at pinasaok ng tubig.

Dahil dito, kaagad nagdeklara si Captain Felix Solidio ng abandone ship nang unti-unti na itong lumubog.

Napag-alamang galing Dumaguit papuntang Batangas ang nasabing barko na may lulang limampu’t pitong pasahero at apa’t napu’t walong crew.

Kaagad namang rumesponde ang Coastguard Romblon at nagsagawa ng Search and Rescue Operation dahilan upang madala sa ligtas ng lugar ang mga pasahero, kasama ng isang casualty na si Ernesto C. Flores.

Nasa halos pitumpong porsiyento na umano ang bahagi ng nasusunog na barko nang maratnan ng Coastguard Romblon.

No comments:

Post a Comment