Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Hirap di umano ang mga estudyante sa Manoc-manoc Elementary
at National High School na sumakay ng tricycle nang ipatupad ang Color Coding
Scheme sa Boracay.
Ito ang nabatid mula kay Boracay Land Transportation Multi-Purpose
Cooperative (BLTMPC) Chairman Ryan Tubi, kung saan ang nabanggit na paaralan
umano ay pormal na nag-paabot na ng kanilang reklamo sa tanggapan ng
kooperatiba at gayong din sa tanggapan ng Alkalde kaugnay dito.
Sa apelang ipina-abot ng paaaralan, nakasaad aniya doon ang
hirap na nadaranasan ng mga estudyante kapag papunta at pa-uwi ng paaralan.
Lalo na kapag ang ruta umano ng mga bangka ay nasa Tambisaan,
kaya wala halos tricycle pumapasok papunta ng Manoc-manoc Plaza hanggang Cagban
Area.
Kaya ayon kay Tubi, ang reklamong ito ang siyang ipapa-abot
din nila sa lokal na pamahalaan ng Malay.
Kung maaalala kasama sa kundisyon sa pagpapatupad ng coding
ay kapag may reklamo na kinukulang na pumapasadang unit ay maaari na itong
ipa-kansela lalo kung maraming nagrereklamo.
No comments:
Post a Comment