YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, August 09, 2012

Mga nagpapa-inspeksiyon ng helmet sa DTI-Aklan mula sa malalayong bayan, binibigyang priyoridad


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Mariing inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Aklan Director Diosdado Cadena na free o libre ang pagpapa-inspeksiyon sa mga helmet ng motor na ginagamit ng bawat motorista kasama ang helmet na para sa mga angkas.

Kaya ayon kay Cadena, walang dapat ikabahala ang mga motorista dahil wala naman silang babayaran kahit ilang helmet pa ang ipapa-inspeksiyon ng mga ito.

Aniya, ang gagawin lamang ay dalhin ang helmet sa tanggapan ng DTI sa Kalibo at magdala ng identification card o ID na issued ng gobyerno o kaya ay drivers license para sa aplikasyon upang matatakan ng Import Commodity Clearance o ICC sticker ang helmet kapag pumasa ang helmet sa pagsisiyasat.

Kalimitan umano sa hindi nakakapasa sa mga helmet na dinadala sa kanilang tanggapan ngayon ay yaong may mga crack o sira na, walang strap at kapag ang brand ng helmet ay wala sa listahan ng mga lihitimo dealer at manufacturer na may kwalidad ang prudokto.

Samantala, gayong sa bayan pa ng Kalibo dapat dalhin ang mg helmet at malalayo ang ibang bayan, sinabi ni Cadena na binibigyan naman nila ng konsiderasyon o prayoridad ang nagmula sa malalayong bayan, lalo na kapag marami at nakapila ang nagpapa-inspeksiyon doon.

Nilinaw din nito ngayon na sa kasalukuyan ay wala pa silang balak na magkaroon ng skedyul dito sa Boracay dahil sa kulang din umano sila sa tao. 

No comments:

Post a Comment