Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Bilang bayan ng sikat na isla ng Boracay na napiling “2012
Best Beach in the World”, ang Malay naman ang itinuturing na pinakamayamang
bayan sa buong probinsiya ng Aklan.
Ito ay dahil P78M ang inabante ng Bayan ng Malay mula sa pondo
ng bayan ng Kalibo kung Annual Budget ngayong taon ng 2012 ang pag-uusapan, gayong
parehong 1st Class Municipality ang dalawang bayang nabanggit.
Ito ang napag-alaman mula sa mga isinumiteng Annual General
Fund sa Sanggunaing Panlalawigan ng Aklan ng 17 bayan sa buong probinsya para
idaan sa pag-rebyu ng SP.
Pero 13 na sa mga ito ang nakapasa na pag-rebyu at
deliberasyon ng legislative body ng probinsiya.
Nabatid na ang bayan ng Malay ang may pinakamataas ng pondo
ngayong 2012 na umaabot sa P220M, hindi pa kasama ang P14M pondo para sa
Municipal Economic Enterp rise Development (MEED).
Samantala ang bayan ng Kalibo ay may P141.9 milyon lamang at
may P45-milyong pondo para sa MEED.
Gaya sa inaaasahan, ang bayan naman ng Lezo na pinakamaliit
na bayan ay siya ding may pinakamaliit ng budget ngayong taon na umaabot lamang
sa P31.3M.
Samantala, sa kasalukuyan, bagamat matagal nang hinihingi ng
probinsiya na i-deklarang 1st Class Province ang Aklan, sa
kasalukuyan ay nananatili parin itong 2nd Class kahit pa bilyon piso
na rin ang Annual Budget nitong nakalipas na mga taon na isa na sana sa
kwalipikasyon upang maging 1st Class Province.
Pero hinihintay pa ayon kay SP Secretary Odon Bandiola ang
re-classification ng mga Local Government Unit
ngayong taon na gagawing naman ng Bureau of Local Government Finance ng
Department of Finance.
No comments:
Post a Comment