YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 06, 2012

Pananagutan sa mga nabiktima sa Seas Sport activity, ipinauubaya ng PCG-Caticlan sa may-ari


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Ipinauubaya ng Philippine Coast Guard Caticlan ang pananagutan sa may-ari ng Sea sports sa mga nabiktima nilang kliyente ng masamang panahon nitong nakaraang linggo kung saan halos sunod-sunod ang naitalang aksidente.

Ito ay dahil kapabayaan ito sa bahagi ng mga Sea Sports operator.

Ito ay makaraang maaksidente ang may tatlong turista nitong Sabado ng pagkapatid sa tali na ginagamit sa Para Sailing, kaya ang grupo ng turistang ito ay na-ospital sa bayan ng Kalibo ng tangayin ng malakas na hangin, maliban pa sa insidente na nangyari noong nagdaang Biyernes.

Bunsod nito, para hindi na masundan pa ang pangyayaring ito, pansamantalang ipinakansela ng Coast Guard ang operasyon ng parasailing lalo pa at pabugso-busgo umano ang hangin sa kasalukuyan.

Ngunit kung makita umano ng Coast Guard Boracay na kalmado na ang panahon at i-rekomenda ng ahensiyang ito sa isla na ligtas na ang magsagawa ng aktibidad katulad  ng Para Sailing ay pahihintulutan na lang na ituloy ang operasyon ng aktibidad na ito.

Maliban dito, aasahan na rin ayon kay PCG-Caticlan Acting Station Commander Chief PT Officer Ronnie Hiponia na magkakaroon ng random inspeksiyon ang Coast Guard sa mga gamit na ginagamit sa seas sports sa area ng Bolabog o Back Beach kung saan ginagawa ang iba’t ibang aktibidad gaya nito.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga turista na umaasa umanong sa bawat bayad nilang ibinibigay kapalit ng serbisyo sa bawat aktibidad ay ligtas din ang mga ito. 

No comments:

Post a Comment