Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Hindi magtatapos sa West Cove lang ang gagawing demolisyon
sa mga lumabag na establishemento sa Boracay, dahil may mga susunod pa.
Ito ang nilinaw ni Island Administrator Glenn SacapaƱo sa
panayam dito.
Kaya hiling nito sa mga mag-ari ng gusali na noon paman ay batid
na umano nilang may nalabag silang ordinansa at batas sa bansa kaugnay sa
paglalagay ng istaktura sa lugar na hindi puwede.
Sinabi nitong huwag na sana umanong hintayin pa ng mga ito
na ang lokal na pamahalaan pa ang mag-patibag ng nasabing mga istraktura.
Aniya matagal nang batid ng mga stakeholder sa isla kung saan
ang lugar sa Boracay na hindi maaaring paglatag ng establishimiyento, kaya
dapat din umanong maintindihan nila ang aksiyong gagawin ng LGU kung sakali at
wala nang sisihan pa.
Kaugnay nito, inihayag din ni SacapaƱo na marami na ring
natatanggap na mga report ang tanggapan ng Task Force Moratorium on Building
Construction sa Boracay hinggil sa illegal na construction sa isla kaya ito rin
ang tinututukan nila ngayon.
Kung maaalala, ang lokal na pamahalaan ng Malay sa
kasalukuyan ay seryosong ipinapatupad ang kanilang kampaniya hinggil sa illegal
na mga straktura tulad na lamang sa pagtatayo ng gusali sa mga pinoprotektahan
at kritikal na area, pagtatayo ng gusali ng walang kaukulang dokumento at iba
pa.
Samantala, aminano naman ngayon ang administrador na
pansamantalang natinigil ang pagtitibag sa illegal na straktura ng West Cove.
Ito ay dahil sa hindi umano makaporma ang demolisyon team, dala
ng sama ng panahon, gayong hindi rin makaarangkada ang barge na magdadala ng
mga gagamitin tulad ng heavy equipment.
No comments:
Post a Comment