Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Isang organisasyon na naman ngayon ang interesado at
nagnanais na makatulong para sa proteksyon ng Boracay.
At kung ang lokal na pamahalaan ng Malay ay may “Sali ako
Diyan” ang organisasyong Junior Chamber International o JCI ay may “Sama ka,
Let’s protect Boracay” naman.
Layunin ng programang ito na magkaroon ng signature campaign
na sisimulan ngayong araw.
Maliban sa pagnanais na ma-protektahan at ma-preserba ang
Boracay ay adbokasiya din nila na makakalap ng pondo para maisailalim sa
pagsasanay ang mga estudyante at bagong henerasyon ng isla kung papaano gagawin
upang mapanatili ang ganda ng islang ito.
Kasama sa signature campaign na ito ang pagkalap ng piso sa
bawat lalagda, na siyang gagamitin para sa lecture materials na gagamitin sa
training ng bawat estudyante sa tulong at suporta rin ng DepEd.
Kaugnay nito, positibong pagbabago para sa isla ang target
ng JCI at magagawa ito sa tulong ng bawat mamamayan, lokal na pamahalaan ng
malay at BFI na nagpahayag na rin ng kanilang suporta sa programang ito.
No comments:
Post a Comment