Tuesday, December 06, 2016

Seguridad sa nalalapit na 2017 Kalibo Ati-atihan Festival at iba pang aktibidad, inilatag na

Posted December 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for seguridadInilatag na ng mga otoridad sa Camp Pastor Martelino ang kanilang preparasyon para sa seguridad ng Kalibo Santo NiƱo Ati-Atihan Festival para sa tinaguriang “Mother of All Philippine Festival” at iba’t-ibang aktibad na gaganapin sa probinsya.

Nabatid na nagsagawa na umano ng Security Preparation Conference ang mga kapulisan sa Aklan para rito.

Ayon kay Aklan Police Provincial Deputy Director Superintendent Pedro Enriquez, masusi na rin umanong nakikipag-koordinasyon sa kanila ang Philippine Army, Bureau of Fire Protection, mga stakeholder at iba pang mga ahensiya upang masiguro at mapanatili ang peace and order sa nasabing makasaysayang okasyon.

Samantala, magtatagal naman umano ang pagtalaga ng mga pulis sa lalawigan dahil sa pagdating ng mga kandidata ng Miss Universe sa Enero at ng Association of South-East Asian Nation (ASEAN) Summit na magsisimula sa Enero hanggang Pebrero sa isla ng Boracay.

Sinabi din nito na magpapakalat din umano ang APPO ng monitoring team at dinagdagan na ang police visibility sa mga matataong lugar  maiwasan ang kaso ng mga pandurukot.

Ang Ati-atihan sa Kalibo ngayong taon ng 2017 ay gaganapin simula ika-6 hanggang ika-15 ng Enero.

No comments:

Post a Comment