Posted December 9, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Dinala na sa
isang ospital sa Kalibo ang isang habal- habal driver matapos na hindi
sinasadyang masaksak ang sarili.
Nakatanggap ng
tawag ang Boracay PNP kahapon ng umaga, ng mag-report ang isang staff ng Metropolitan
Doctors Medical Clinics na may isang saksakan umanong nangyari sa E-mall, Brgy.
Manoc- Manoc, Boracay kung saan ang biktima ay dinala sa kanilang klinika.
Kinilala ang
biktima na si Jun Jun Bawisan Diquit, 32- anyos, temporaryong nanunuluyan sa
Sitio Tulubhan, Manoc- manoc.
Nabatid na bago
ang insidente, nauna nang nagkaroon ng diskusyon sa pagitan ng biktima at ng kapwa nito
habal-habal driver sa nasabing lugar kung saan tinangka umano ni Diquit na
saksakin ang suspek na kinilalang si Leonard Igat Cabesilla, 23- anyos na
residente ng Sitio Tulubhan, Brgy. Manoc- manoc, ngunit hindi niya ito
tinamaan.
At sa muling pagkikita
ng dalawa sa E-mall, nagkaroon ulit ang mga ito ng konprontasyon na nauwi na sa
gulo kung saan may dala ang suspek na screwdriver habang ang biktima naman ay
may dalang kutsilyo.
Batay sa Police
report, tinangka umanong saksakin ng biktima ang suspek subalit napansin ito ni
Cabesilla kung kaya’t tinapik nito ang kutsilyo pabalik sa kanya at sa kasawiang
palad, ang planong pagsaksak sa suspek ay naisaksak niya mismo sa kanyang
sarili.
Dahil dito nagtamo
si Diquit ng tama sa kanang bahagi ng kanyang dibdib.
Agad namang itong
isinugod sa klinika ngunit ini-refer din sa ospital sa bayan ng Kalibo.
Dahil sa
pangyayari, ikinostudiya ng mga pulis si Cabesilla, para sa imbestigasyon sa
nasabing pangyayari.
No comments:
Post a Comment