Posted December 10, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Nag-apela ngayon ng pagtutol
ang mga residente sa Bakhao, Norte sa Kalibo kaugnay sa dredging operation ng
STL Panay Resources Co. Ltd.
Nabatid na nagsagawa ng survey ang grupo ng mga taga- STL
para maumpisahan na ang naturang proyekto.
Ayon naman kay Punong Barangay Maribeth Cual ng nasabing
barangay, nag- aalburoto na di- umano ang mga nakatira sa lugar na ito dahil sa
mga nakikita nilang operasyon dito.
Naniniwala din si Kapitan Cual na may malaking epekto sa
mga residente ang nasabing dredging operation.
Sa ngayon, bantay sarado ng mga residente ang nasabing
lugar para hindi maumpisahan ang nabanggit na proyekto.
Samantala, ayon naman kay dating Banga Mayor Antong
Maming, makaka- benepisyo umano ang lahat ng mga Brgy. na nasa paligid ng Aklan
river, isa na nga umano dito ay ang maiwasan ang posibleng pagbaha sa lugar.
Sinabi pa nito na hindi lang umano naintindihan ng mga
residente ang proyekto kung kaya’t malaki ang kanilang pagtutol sa operasyon
dito.
No comments:
Post a Comment