Monday, December 05, 2016

14th Boracay Body Building Championship, pinaghahandaan na

Posted December 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for 14th Boracay Body Building ChampionshipPuspusan na ang ginagawang preparasyon ng 14th Boracay Body Building Championship na gaganapin sa isla ng Boracay ngayong December 16.

Ayon kay event organizer Georgen Dela Cuesta ng BBC, na siya ring namamahala ng Muscle Tribe Fitness Center-Boracay ito umanong mga body builders na magsisidatingan galing sa iba’t ibang parte ng mundo ay magtitipon para sa nasambit na kompetisyon.

Kung saan sa mga nakalipas na taon, kasama din ditong sumasali ang mga foreign national.

Nabatid na, kinikilala ng Philippine Committee of Bodybuilding and Fitness (PCBF) ang patimpalak na ito.

Samantala, ang IFBB ay may mga kasapi na 190 mga bansa kung saan ito ang nagtatatag ng mga prestihiyosong kompetisyon sa buong mundo kabilang na ang Olympia Weekend and the Arnold Schwarzenegger Sports Festival.

No comments:

Post a Comment