Thursday, December 08, 2016

Assistant embalmer, kalaboso sa buy-bust operation

Posted December 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for buy bust operation jpeg
Sa kulungan ang bagsak ng isang Assistant Embalmer sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Sitio Lugutan, Brgy. Manoc-manoc, Boracay kahapon ng hapon.


Kinilala ang naarestong suspek na si Jesus Tayco y Magno, 47-anyos, residente ng Cubay Norte, Malay, Aklan.

Nahuli ang suspek sa pinagsamang pwersa ng Malay Municipal Police Station, Boracay PNP, Aklan PSC, 605 th Maritime Police, PDEA at 12th Infantry Battalion-Tactical Interface Unit kung saan nabilhan ito ng isang sachet ng suspected shabu kapalit ng isang libong peso na marked money mula sa isang poseur buyer habang sa ginagawa pang body search ay may isa pang nakuhang sinasabing ilegal na droga mula rito.

Samantala, nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 Article II Republic Act 9165 o dangerous drugs act ang suspek.

No comments:

Post a Comment