Posted December 10, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Nagpasaklolo ang isang Korean
national matapos mahablot ang kanyang sling bag habang naglalakad.
Kinilala ang biktima na si Lee Jin Sil, 21- anyos na
pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa Station 2, Boracay.
Ayon sa salaysay ng biktima, naglalakad di-umano siya
kung saan nagulat na lamang ito ng biglang hablutin ng dalawang di kilalang
lalaki ang bag nito.
Natangay ng suspek ang kanyang mga importanteng gamit
kasama ang pera nitong nagkakahalaga ng 155 US Dollar, apat na libong piso, at
50, 000 Korean won.
Sinubukang habulin ng tour guide ni Sil ang mga suspek
ngunit hindi na niya ito naabutan.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulisya sa
nasabing pangyayari.
No comments:
Post a Comment