Thursday, December 08, 2016

Kampeonato sa Shotput kompetisyon para sa Batang Pinoy 2016, naiuwi ng isang estudyante sa bayan ng Malay

Posted December 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for championKampeon sa Shotput kompetisyon para sa Batang Pinoy 2016 na ginanap sa Davao City ang isang estudyante magmula sa bayan ng Malay.

Naiuwi ni Kirk  Sim Caldeo, 15-anyos estudyante ng Conperey Integrated Learning School ang Gold Medal sa Shotput competition.

Sa naganap na SB Session nitong Martes, naging Privilege Speech ni SB Jupiter Gallenero ang pagbigay pugay kay Caldeo sa ibinigay niyang karangalan sa bayan ng Malay kung saan natalo nito ang iba't-ibang representante ng ibang probinsya na sumali sa naturang kompetisyon.

Nabatid na Silver medal lamang ang nasungkit ng probinsya sa nagdaang kompetisyon sa Batang Pinoy.

Malaki naman ang pasasalamat ni Caldeo sa kanyang coach dahil sa tagumpay nitong nasungkit.

Nabatid na si Kirk Caldeo ay anak nina PO2 Edmarc at Myla Sim Caldeo ng Argao, Malay, Aklan.

No comments:

Post a Comment