Thursday, December 08, 2016

Bangkay ng isang lalaki, nakita sa bayan ng Ibajay

Posted December 8, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for bangkay
Hindi pa rin tukoy ang isang bangkay na nakita kahapon sa Brgy. Bugtong Bato, Ibajay, Aklan.


Ayon kay PO2 Victor Ilisan, Ibajay PNP,nakatanggap sila ng report kahapon ng hapon galing sa isang concerned citizen matapos makita ang bangkay malapit sa dalampasigan sa nasabing Brgy. kung saan agad naman itong nirespondihan ng mga otoridad.

Sinasabing na-a-agnas na ang bangkay kung kaya’t hindi na makilala ang kanyang mukha, bagama’t sinasabing ito ay isang lalaki na may taas ng 5’6 at nasa edad ng 30 hanggang 40 anyos. Nakasuot ito ng pulang t-shirt at black shorts.

Maliban sa nakataling tela sa kanyang bewang na may empty shell na bala na pinaniniwalaang panlaban niya ito sa masasamang ispirito, ay wala nang makitang palatandaan sa katawan ng biktima.

Samantala, wala naman umanong na-ireport na nawawala sa nasambit na lugar.

Ngunit, kahapon umano ng hapon ay mayroong dumulog na isang pamilya galing sa Antique kung saan ayon sa mga ito nawawala umano ang kanilang kapamilya subalit negatibo naman dahil hindi raw umano ito ang kanilang hinahanap.

Sa ngayon, patuloy pang kinikilala ang bangkay, habang nakalagak ang kaniyang labi sa Belinario Funeral Homes.

No comments:

Post a Comment