Monday, December 05, 2016

Pagdiriwang ng kapaskuhan sa Aklan, pinaghahandaan na ng mga otoridad

Posted December 5, 2016
Ni Inna Caro L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for SPO1 Nida GregasHandang-handa na umano ang hanay ng mga kapulisan sa Aklan Police Provincial Office (APPO) para sa pagdiriwang ng nalalapit na kapaskuhan sa probinsya ng Aklan.

Ito ang sinabi ni APPO Public Information Officer SPO1 Nida Gregas sa interview sa kanya sa programang Boracay Good News ng himpilang ito nitong Sabado.

Ayon kay Gregas, nakatakda umano silang mag-deploy ng mga kapulisan simula sa Desyembre a-kinse unang araw ng simbang gabi sa lahat ng mga bayan sa probinsya.

Aniya, ito umanong pagpapaigting ng seguridad ngayong kapaskuhan ay hanggang sa nalalapit na Kalibo ati-atihan 2017 kung saan nakatakda pa umano silang magdagdag ng mga PNP-personnel na magbabantay sa lugar.

Kaugnay nito, mas paiigtingin din umano nila ang kanilang seguridad sa isla ng Boracay. Ito’y dahil dagsa narin ang maraming turistang magbabakasyon ngayon dito.

Samantala, paalala naman nito sa publiko na sakaling magkaroon ng problema ay ipagbigay alam lang sa mga naka-duty na mga pulis.

No comments:

Post a Comment