Tuesday, December 06, 2016

Call Center Agents, may pinakamataas na kaso ng HIV- Aklan PHO

Posted December 6, 2016
 Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for hiv
Isa umano ngayon sa may pinakamataas na kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) Aids ay ang mga nagtatrabaho sa Call Center.

Ito ang sinabi ni Aklan Provincial Health Officer II Dr. Cornelio Cuachon, Jr. sa ginanap na presscon kung saan base umano sa naitalang rekord, karamihan sa mga na-infect ng naturang virus ay ang mga nagtatrabaho bilang call center agents.

Nabatid, kasi na ang mga nagtatrabaho sa call centers na naka-duty sa gabi ay sumasama sa mga ka-trabaho at kalimitang nauuwi sa unprotected sex kung saan dito umano posibleng nangyayari ang paghawa ng HIV.

Kaya naman nais ni Cuachon na maki-alam ang publiko sa ganitong usapin upang maging-conscious umano sila sa kanilang kalusugan.

Kaugnay nito, sa pinakahuling datos naman ng Provincial Health Office – Aklan may (80) walumpong kaso ng HIV-Aids na ang naitala sa probinsya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment