Posted December 10, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Isang reklamo ang idinulog sa
Boracay PNP, matapos na mauwi ang inuman sa saksakan sa Sitio Diniwid, Brgy.
Balabag, Boracay kahapon ng hapon.
Base sa report ng Boracay PNP, nakilala ang biktima na si
Gilbert Dela Cruz, 33- anyos, tubong Roxas, Capiz habang ang suspek ay nakilala
kay Jovan Aduana Lacson alyas “ Papa” tubong Negros Occidental.
Nabatid na nagkikipag- inuman umano ang biktima kasama pa
ang ibang katrabaho nito ng dumating ang suspek kung saan inalok ng tagay ni
Dela Cruz si alyas “ Papa” subalit tinanggihan niya ito.
Dagdag pa sa salaysay ng mga kainuman nila, tinitigan daw
ng suspek si Dela Cruz at sa di malamang dahilan bigla na lamang hinila ni
Lacson ng balikat nito at ini-angat kasabay ng pagsaksak dito gamit ang dalang
kutsilyo.
Matapos ang krimen, agad umanong tumakbo ang suspek
palayo bitbit ang ginamit nitong panaksak.
Dahil dito, agad isinugod sa Alert Medical Center ang
biktima kung saan nagtamo ito ng saksak sa kanyang dibdib at kaliwang braso.
Subalit kalaunan ay ini-refer din sa isang ospital sa
Kalibo.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang manhunt operation ng
Boracay PNP para sa pag-aresto sa suspek.
No comments:
Post a Comment