Posted December 7, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Patuloy ngayon ang pagbibigay ng Department of Social
Welfare and Development (DSWD) ng pension sa mga Indigent Senior Citizens sa
Western Visayas.
Ayon kay Harriete Yatar, Social Welfare Officer I ng
DSWD, sa ikatlong quarter ng payout ay nasa 59,692 senior citizens mula sa mga
lalawigan ng Iloilo, Aklan, Antique, Capiz, at Guimaras ang tatanggap ng
pension na aabot sa kabuuang P 89,538,000.00.
Nagsimula ang pamamahagi ng pension para sa quarter na
ito noon pang Hulyo sa pamamagitan ng door-to-door delivery ng PhilPost.
Samantala, ang mga tatanggap naman dito ay yaong 60 years
old pataas, mahina ang katawan at may kapansanan, walang regular na
pinagkukunan ng kita, walang sustento galing sa pamilya at walang pension na
galing sa (SSS, PVAO,Veterans, GSIS).
Nabatid na ang mga kwalipakado dito ay tatanggap ng P
500.00 monthly social pension mula sa national government.
No comments:
Post a Comment