Monday, December 05, 2016

SB Gallenero, nanindigan na huwag i-legalize ang habal-habal

Posted December 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

“Wag I-legalize ang mga habal-habal driver”

Ito ang sambit sa panayam kay Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero patungkol sa pamamasada ng mga habal-habal sa isla ng Boracay.

Tutol umano si Gallenero sa pag-legalize sa dahilan na ang Boracay umano ay isang international destination kung kaya’t gumagamit na nga ang isla ng e-trike para maging standard ito katulad nalang ng ibang tourist destination.

Ito naman umano ay sinang-ayunan ni Senior Transportation Regulation Officer Cesar Oczon Jr. ng Municipal Transportation Office kung saan sa katunayan nagbigay siya ng derektiba sa mga miyembro ng  Malay Auxiliary Pulis o (MAP) na paigtingin ang paghuli sa mga habal-habal driver lalong-lalo na ang mga walang kaukulang permit to transport.

Aniya, ang habal-habal ay talagang ipinagbabawal umano sa Boracay subalit may ilan paring mga kumukuha umano ng permit to transport para gamitin sa pamamasada.

Sinabi rin nito na walang habol sa mga habal-habal driver sakaling masangkot man sila sa aksidente dahil sa walang ordinansa para sa pag-regulate sa kanila.

Samantala, muling paalala ni Oczon sa mga habal-habal driver na sundin ang mga rules and regulation ng Transportation Office at huwag abusuhin kung ano man ang mga konsiderasyon na ibinibigay sa kanila.

Nabatid na nito lamang nakaraang linggo ay 19 na mga motorsiklo ang itinawid pabalik sa mainland dahil sa mga violation sa permit to transport.

No comments:

Post a Comment