Monday, October 10, 2016

Pagsasaayos at pagpapagawa ng Tambisaan at Tabon Port, nakalatag na

Posted October 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nakalatag na umano ang pagsasaayos at pagpapagawa ng Tambisaan at Tabon Port.

Ito ang pahayag ni Mayor Ceciron Cawaling sa himpilang ito kung saan on-going na umano ang development at nakalatag na umano ang mga gagawing construction ng kanyang administrasyon lalo na sa holding at terminal area ng Tabon Port.

Nabatid kasi na itong dalawang Port ay ginagamit tuwing habagat season sa pagtawid ng mga pasahero lalong-lalo na ang mga turistang papunta at papalabas ng isla.

Aniya, may plano na umano sa proyektong gagawin kung saan una dito ay aayusin na umano itong second floor ng Tabon at arrival and departure ng mga turista ng sa gayon ay may masilungan at hindi na pagala-gala ang mga ito sa labas.

Kaugnay nito, hahabaan rin umano ang rampa ng Tabon Port kung saan nga ay naghahanap na sila ng private investors upang gumawa nito pati na ang mga kalsada at parking area dito.

Samantala, maglalagay din ng mga infrastructure sa area ng Tambisaan nguni’t ito umano ay uumpisahan pa sa susunod na taong 2017 dahil ngayong taon umano ay zero budget ng siya ay naupo bilang bagong alkalde ng Malay.

No comments:

Post a Comment