Monday, October 10, 2016

LGU Kalibo, nasungkit ang 2016 Most Business-Friendly Award

Posted October 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for awardGinawaran ngayon ng 2016 Most Business-Friendly award ang LGU-Kalibo kung saan nasungkit nila ito mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).

Nabatid na noong taong 2015 ay nakatanggap ng award ang Kalibo bilang Most Business-Friendly Municipality Level 1 (1st-2ND class municipalities) sa patuloy nitong pagbibigay ng magandang daan pagdating sa transparansiya, pagpapatibay at pagpalago ng negosyo.

Samantala, ngayong taon umano ang criteria ng PCCI para sa mga kwalipadong negosyante ay yaong mga nakapag-invest ng promotion, stratehiya, Anti-Red Tape Act compliance initiatives, transparensiya sa mga transaksyon ng LGU at ang mga compliant kasama ang kanilang financial transactions.

Kaugnay nito, ang kompetinsiya at paninidigan ng LGU ay para lumikha at magbigay ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng lokal na impleyado kagaya ng paghikayat ng turismo, aktibong pagsuporta sa mga programa para sa public-private sector partnership, pro-active stance ng LGU para i-promote ang lokal na ekonomiya sa paggamit ng impormasyon at kumonikasyon at teknolohiya, paglikha ng materyales at sa pakikipagtulungan ng LGU sa ibang ahensya ng pamahalaan.

Nabatid na ang batayan ng Most Business-Friendly award ay ang patuloy na implementasyon ng LGU-Kalibo sa kanilang criteria simula noong Enero 2015 hanggang nitong Hunyo 2016.

No comments:

Post a Comment