Tuesday, October 11, 2016

Terminal at Environmental Fee sa Boracay, balak pag-isahin

Posted October 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Environmental at Terminal feeBalak umano ngayong pag-isahin ang Environmental at Terminal fee na binabayaran sa isla ng Boracay.

Ito ang tinukoy ni Gov. Florencio Miraflores base sa pasya ni Malay Mayor Ceciron Cawaling ng Malay.

Nabatid na ang local government ng Malay ay nag-kokolekta sa mga turista sa Jetty Port ng P75 na Environmental Fee, habang ang provincial government ay kumukulekta naman ng P100 terminal fee.

Layun umano ng planong ito na  ang iba-ibang pila sa pantalan dahil sa magkahiwalay na pagbayad ng Environmental at Terminal fees.

No comments:

Post a Comment