Posted October 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Napigilan ang tangkang
pagpapakamatay ng isang Ladyboy sa front beach ng isang Hotel sa Station 1
Barangay Balabag, Boracay.
Base sa imbestigasyon
ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), isa umanong Security Guard ang
nakapansin sa biktima na balisa sa kanyang sarili kung saan tanging towel lang
ang takip ng katawan nito.
Nabatid na pumunta
umano ito sa isang restaurant sa lugar
at umupo sa hagdan kung saan nilapitan at sinabihan naman ito ng nakaduty na guard
na tanging guest lang ang pwedeng tumambay dito.
Dahil dito,
tumayo ang biktima sa kanyang inuupuan at tumakbo sa itaas na bahagi ng lugar
hanggang sa roof top ng presidential room dahilan para habulin din ito ng naturang
Security Guard.
Kaugnay nito, nagulat
nalang ang Guard na nakatayo na ang biktima sa gilid ng rooftop na nakaharap sa
dalampasigan at tila tatalon.
Samantala, agad
naman nitong tinawag ang mga kasamahang Security Guard at ang Municipal
Auxiliary Police (MAP) na nakaduty kung saan kinumbinsi nila itong huminahon at
huwag tumalon.
Dahil umano dito,
naisip nalang ng mga ito na pagtulungang pigilan ang biktima para hindi na
matuloy ang tangkang pagpapakamatay nito.
Dinala naman ng
rumespondeng pulis ang biktima sa pagamutan dahil sa natamo nitong sugat sa
kanyang braso dahil sa ginawang pagpigil sa kaniya.
Samantala,
napag-alaman na lulong sa droga ang biktima nang tangkain nitong magpakamatay.
No comments:
Post a Comment