Wednesday, October 12, 2016

Farm-C sa Boracay, balak i-turnover

Posted October 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Naging usapin sa Sangguniang Bayan ng Malay kahapon ang tungkol sa pagturn-over ng Farm-C sa Manoc-manoc.

Sa Privilege Speech ni SB Dante Pagsuguiron, ibinahagi niya dito ang sulat mula sa Memorandom of Order kung saan nakapaloob dito ang dating kasunduan sa pag-operate nitong Farm-C na nais itong i-turnover.

Ngunit, sinagot naman ito ni SB Lloyd Maming na hindi umano basta-bastang alisin ito dahil matagal na ito sa lugar. Aniya, i-improve nalang ito upang hindi maapektuhan ang mga manggagawang nagtatrabaho dito.

Sinabi naman ni Bautista na kailangan i-refer ito sa komite para pag-usapan kung ano ang kanilang dahilan kung bakit gusto nilang iturn-over kung ito ba ay para sa ikakaganda o hindi.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Gallenero dapat malaman kung ano ang kanilang dahilan ng sa gayon ay malaman nila kung nais ba nilang dagdagan ito ng ordinansa upang mapagdesisyunan at matulungan ng komitiba.

Kaya naman nais ngayon ng mga miyembro ng SB na i-check at tanungin ang opisina ng alkalde kung ano itong issue tungkol sa pagturn-over ng Farm-C.

No comments:

Post a Comment