Posted October 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
“Mas pinaganda na
ngayon ang Barangay Hall ng Balabag”.
Ayon kay Punong
Barangay Lilibeth Sacapano, na sa kabila umano ng mga problema na kanilang
kinakaharap ay napapanatili parin nilang maayos ang kanilang pagserbisyo sa mga
tao.
Nabatid na merong
bagong silid ang Day Care at Health Center kung saan may inilagay na silang mga
tao dito para magduty.
Kaugnay nito, ang
Health Center ay may mga serbisyon na ngayon na ibinibigay katulad nalang ng
Prenatal sa mga buntis at tuwing Biyernes naman ay may Immunization sa mga
bata.
Samantala,
pina-alalahanan naman nito ang mga Balabagnon na maging maingat dahil sa kanyang
imbestigasyon na nakuha ay pangalawa umano ang Balabag sa may pinakamataas na apektado ng Dengue.
Nanawagan naman
ito sa mga residente ng kooperasyon para sa kalinisan ng Balabag kung saan
balak nitong bumuo ng Task Force na tututok para dito.
Samantala, sa
susunod umanong taon na 2017 ay planado ang isusunod na ipapagawang Evacuation
Center na idudugtong sa bagong Barangay Hall.
No comments:
Post a Comment