Wednesday, October 12, 2016

Resort sa Boracay, niluoban ng magnanakaw

Posted October 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for robberyNagpasaklolo ngayon sa mga pulis ang may-ari ng isang resort sa Sitio Ambulong Manoc-manoc, Boracay matapos umanong niluoban sila ng magnanakaw.

Kinilala ang nagrereklamo na si Mary Grace Moreno, 57-anyos may-ari ng resort.

Base sa report ng biktima sa Boracay PNP, isang staff umano ng resort ang nagsabi sa kanyang anak na i-check ang kanilang kwartong pinapaupahin dahil meron umanong apat na kalalakihan ang nakita niyang may bitbit na TV na dumaan sa kanilang resort.

Dahil dito, agad namang pinuntahan ng biktima ang kanilang bakanting kwarto kung saan tumambad sa kanya na wala na nga ang kanilang 24 inches flat screen TV.

Napag-alaman na pwenersang sirain ang bintana ng mga hindi nakilalang magnanakaw kung saan ito ang kanilang ginawang daan para makapasok sa loob ng kwarto.

Tinatayang mahigit P 12, 000 naman ang iniwang damage ng mga ito sa lugar.

Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Boracay PNP station kung may CCTV camera ang lugar para matugis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

No comments:

Post a Comment