YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, October 14, 2016

Re-routing ng mga kalsada para sa preparasyon sa Kalibo Ati-atihan 2017, nakahanda na

October 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for re-routingNagkaroon ngayon ng re-routing sa ilang mga kalsada sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Kalibo PNP (Traffic Section) SPO2 Reymond Abogadie, nagkaroon umano ng mga pagsarado at pagbukas sa ilang area ng kalsada sa bayan ng Kalibo, ito ay bilang paghahanda sa Opening Salvo sa Oktubre 21 ng Kalibo Sto. NiƱo Ati-Atihan Festival 2017.

Nabatid na ang mga kalsadang apektado ay magsisimula sa Mabini St. papunta sa 19 Martyrs St. palabas sa Toting Reyes kung saan ay one way lamang ito habang ang mga dumadaan naman  sa City Mall (F. Quimpo Extension) galing sa Mabini St. palabas sa Toting Reyes St. ay hindi pwedeng lumiko sa kanan kung saan dapat kaliwa lang.

Samantala ang parking area naman ng mga tricycle ng Estancia,Tigayon at Linabuan ay temporaryong inilipat malapit sa Toting Reyes St.,at ang Caano, Pook at Mabilo naman ay sa Bayanihan Road.

Kaugnay nito, layunin ng re-routing na maibsan ang pagsikip ng kalsada lalo na at papalapit na ang selebrasyon ng Kalibo Ati-atihan 2017.

No comments:

Post a Comment