Posted October 14, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nakatakda na
ngayon ang isasagawang construction sa tulay ng Guimaras na magkokonekta
papuntang Iloilo.
Ito umano ang
magandang balita na ipinaabot ng Department of Public Works and Highways (DPWH)
kung saan ang pinakahihintay na pagsagawa ng tulay ay maisasakatuparan na.
Ito ang
kinumpirma ni Buenavista, Guimaras Mayor at League of Municipalities
(LMP)-Guimaras Chapter President Eugene Reyes, na malapit na umanong simulan
ang construction ng tulay na may iniysal na budget na P 150-Million.
Ayon pa kay
Reyes, ito umanong proyekto ay inanunsyo ni DPWH secretary Mark Villar sa
ginanap na LMP meeting sa Maynila.
Samantala,
sinuportahan naman ito ni Guimaras Governor Samuel Gumarin at Iloilo Governor
Art Defensor kung saan sa tulong din ng Public at Private Partnership (PPP) at
ng National Government inaasahan nito na
sa susunod na taong 2017 ay masisimulan na ang pagpapagawa ng naturang tulay.
Sa ngayon ay
hindi pa ibinigay ang buong detalye hinggil sa nasabing proyekto subalit may
posibilidad na ang bayan ng Leganes sa Iloilo at Buenavista naman sa Guimaras
ang maging connecting points ng tulay na ito.
No comments:
Post a Comment