Posted October 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sumailalim ang
mga benepesyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) Kalibo sa Municipal
Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) hinggil sa mga preparasyon
na dapat gawin sa oras na merong mangyaring kalamidad na makaka-apekto sa mga
panananim.
Sa pangunguna ni Alan
Francisco ng MDRRMO-Kalibo at Tatsuya Hada, Japan International Cooperation
Agency (JICA) isinagawa nila ang training.
Samantala naging
topiko nila dito ang Gender and Climate Change, Aklan Local Flood and Early
Warning System (ALFEWS), Vulnerability Capacity Assessment, Field Evaluation
and Assessment,Mapping: Vulnerabilities, Resources, Capacities, Threats and
Hazards, Introduction to Disaster Risk Reduction (DRR) Planning, Introduction
to Evacuation Camp Management Organization at Camp Management Process.
Ayon kay Sustainable
Livelihood Program (SLP) Coordinator Ezra Munoz, ang mga itinuro sa mga
miyembro ng 4P’s na Disaster Risk Reduction (DRR) at climate change ay para malaman
at maintindihan nila kung ano ang epekto ng climate change sa mga pananim.
Sinabi pa ni
Munoz na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang SLP ay
hanggang 2030 nalang mabibigyan ng benepesyaryo ang mga 4P’s kung saan kahit
umano sa ganitong hakbang ay may ideya na sila sa mga dapat gawin at sa
pamamagitan umano nito maaari pa nilang ibahagi ang kanilang nalalaman sa ibang
tao.
No comments:
Post a Comment