Tuesday, October 11, 2016

Anim na pulis sa Boracay PNP, tumanggap ng award sa PRO 6

Posted October 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for awardPinarangalan ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Martin Teofilo B. Delgado, Headquarters ng PRO 6 ang anim na mga pulis sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) nitong Lunes.

Nabatid na itong mga pulis ay ginawaran ng Medalya ng Kagalingan o (Medal of Merit) sa pag-kakaaresto ng mga turistang diumanoy sangkot sa iligal na droga at cybercrime sa isang resort sa Boracay.

Narito ang mga sumusunod na nakatanggap ng award:

1.Malay Chief Inspector Mark Evan Salvo
2.Senior Inspector Jess Baylon
3.Senior Police Officer 2 Richmon Camon
4.Senior Police Officer 1 Jhonel Quitlong
5.Police Officer 2 John Mark Mascara
6.Police Officer 1 Precious Joy Duque

Matatandaan na ang mga nadakip na dayuhan na mahigit dalampu na kinabibilangan ng Taiwanese at Chinese nitong buwan ng Agosto ay nahaharap sa kasong Violation of sections 5, 7 and 11 of the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga ito.

No comments:

Post a Comment